REVIEW: Memories of Forgetting (2021)

REVIEW: Memories of Forgetting (2021)

In Jay Altarejos’ Memories of Forgetting, a romance is soon rekindled, but a secret must first be discussed.

Screencap from the trailer of “Memories of Forgetting”, Jay Altarejos.

“Our memories fragile, our lifetime is very brief, everything happens so fast that we don’t have time to understand the relationship of events.” – mula sa pelikulang “The House of the Spirits” hango sa nobela ni Isabel Allende

“Memories light the corners of my mind.” – mula sa kantang “The Way We Were” ni Barbara Streisand 

Ilan lamang ang mga linyang iyan mula sa mga sikat na akda patungkol sa alaala.

May mga alaala na gusto nating limutin at may mga alaala tayong nais sariwain. May mga alaalang maaaring kalimutan. May mga alaalang dapat ay patuloy na sariwain.

Sa pelikulang Memories of Forgetting, dalawang alaala ang pinapakita nito. Una, ang naudlot ngunit muling pagbabalik ng isang lihim na pagmamahal.  Si Jim (Noel Escondo) ay naging direktor ng bagitong si Michael (Jonathan Ivan Rivera) sa isang pelikula. Subalit, bigla na lamang hindi tumuloy si Michael sa proyekto sa hindi malamang kadahilanan. Makalipas ang ilang taon ay muling nagkita ang dalawa sa kalagitnaan ng pandemya. Sa kabilang banda, madalas sariwain ng ina ni Jim (Dexter Doria) ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa pati ang iba pang bahagi ng kanyang nakaraan habang nakikipag-usap sa kanyang anak. Ito’y pamamaraan niya upang ang kanyang pagiging malilimutin ay hindi lubusang mamayani sa kanyang pagkatao.

Parehas masalimuot ang bahaging ito sa buhay ni Jim.

Magpapatuloy ba ang buhay kung sasariwain ang mga alaala o mas mabuti pang kalimutan ang bahagi ng masaklap na nakaraan?

Jim Paranal, rebyu ng ‘Memories of Forgetting’

Sa muling pagkikita nina Jim at Michael ay may lihim na dapat silang harapin. Pag-ibig nga ba na naudlot dahil sa takot at pangamba? Samantala, kamatayan ba ang sumasalamin sa isang pagmamamahalang dapat pa bang ipaglaban? Magpapatuloy ba ang buhay kung sasariwain ang mga alaala o mas mabuti pang kalimutan ang bahagi ng masaklap na nakaraan?

Save 80.0% on select products from BFSAUHA with promo code 807XBIH2, through 4/6 while supplies last.

Masaya akong mapanood ang passion project na ito ni direk Jay Altarejos. Kahit pa sa kalagitnaan ng lockdown ay hindi natinag ang kanyang pagiging malikhain.

Sa panimulang eksena o opening scene, pinapalabas ang mga snippets ng mga pelikulang nalikha ng direktor. Ito ang unang pelikulang nagpa-tanyag sa kanya sa Philippine queer cinema. Sa katauhan ni Jim (Noel Escondo), maaaring sinalamin nito ang pag-aalala ng direktor sa kanyang likha. Kung paano nagbago ang kanyang pananaw sa buhay mula sa mga una niyang likha hanggang sa kasalukuyang gawa niya. Kaakibat din nito ang kanyang karanasan sa paggawa ng mga pelikula niya.

Kamagra UK provides a solution to the men suffering from the yeast infection. sildenafil wholesale Future Relationship Issues Abuse from someone close to them, like an older order cialis pills sibling, destroys the victim’s trust in relationships. The problem of impotence is no longer being an issue online discount cialis of broad clinical involvement with sildenafil and others. Most order viagra on line browse around this people say that the euphoria caused by opioids last longer with alcohol consumption which also helps in reaching a pain free climax during intercourse The medication also improves the signal transmission between the brain and the male reproductive system.

Mahusay na nagampanan ni Noel Escondo ang kanyang karakter na si Jim. Bumalanse naman si Jonathan Ivan Rivera sa pagganap bilang Michael. Patuloy pa din si Dexter Doria sa pagbigay ng mahusay sa pagiging katuwang na aktres 

Tulad ng mga pelikulang nagawa ni direk Jay ay tastefully done ang mga sex scenes. Sa eksena kung saan ay nag-multo ang ina ni Jim kay Michael ay parang eksena ito sa pelikula ni Gregg Araki dahil sa paggamit ng ilaw at kung paano ang execution ng nabanggit na eksena.

Ang mga pelikula ni direk Jay Altarejos ay maaaring maikumpara sa bigat at tapang ng pelikula ni Gregg Araki. Iyon ang katangiang taglay ng mga likha ni Altarejos na nag-hihiwalay sa kanya sa ibang filmmakers sa ating bansa. Hindi lamang ito nakakahon sa gay community o pagkakakilanlan ng kanyang mga karakter bagkus ay sumasalamin din ito sa lipunang pinagkaitan ng karapatan ang mga mamamayang dapat ay meron nito.

Memories of Forgetting premiered on KTX.ph. The event has ended but we’ll update this post once a screening comes up soon.

One thought on “REVIEW: Memories of Forgetting (2021)

Comments are closed.

Discover more from Film Police Reviews

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading