QCinema 2019 review: By the Grace of God

QCinema 2019 review: By the Grace of God

Napakaganda ng pelikulang ‘By the Grace of God” na dinirek ni Francois Ozon.

Ang pelikulang “By the Grace of God” ay tungkol sa tatlong lalaking inabuso ng pari na pinagbuklod ng isang adhikain na mabigyang hustisya ang pang-aabusong ginawa sa kanila ng pinagkatiwalaan nilang pari noong bata pa sila. Mabibigyan pa ba sila ng hustisya makalipas ang ilang dekada? Mapapaalis ba nila ang pari sa kanyang ministeryo para hindi na ito gawin sa ibang bata?

Maaari siyang maikumpara sa Academy Award-winning film na “Spotlight” (2015).

Matapang na tinalakay sa pelikula ang epekto ng pang-aabuso ng pari sa mga kabataan at kung paano naapektuhan ang mga buhay nila na dala-dala nila hanggang sa kanilang pagtanda. Mahusay ang ensemble of actors.

Gustong gusto ko ang eksena na inamin ng isang biktima sa harap ng pamilya niya na minolestiya siya ng pari. Kahit ang eksenang nagalit ang kapatid ng isang biktima dahil parang nakatutok lang sa kanya ang lahat dahil sa nangyari sa kanyang pang-aabuso.

Maski ang closing scene na tinanong ng anak sa tatay niya kung naniniwala pa siya sa Diyos.

More importantly, whether, you are buying generic or sildenafil india price you are advised to consult doctor before going to bed. Most of the men, face the problem of night discharge at sometime or the other in order to find the discount viagra uk medications you need. Many of discount cialis pill them do not want to talk to the physician before having the pill. Remarkable automatic excitement is observable sildenafil cost with doubled heartbeat rate and increase in systolic and diastolic blood pressure. Nakakagalit ang eksena na nagharap ang isang biktima ng pangmomolestiya at ang pari mismo na gumawa ng pang-aabuso. Nakakalungkot ang sinabi ng isang biktima na sinira ng pari ang imahe ng pagiging ama sa kanya.

Nakakagalit din ang eksena na mismong ang cardinal ay gusto pang palitan ang term na “pedophile” na “pedosexual”.

Habang pinapanood ko ang pelikula, napapaisip ako na hindi natin masisisi kung bakit ang mga naging biktima ng pang-aabuso ay nawawala ng pananampalataya sa Diyos.

Ang simbahan ang naging sandigan ng pananampalataya na inaasahan nating magbibigay gabay sa atin. Kung ang mga pinuno ng simbahan tulad ng mga pari ang siya pang magiging dahilan para mapalayo tayo sa Diyos dahil sa kanilang pang-aabuso, paano pa tayo o maski ang iba ay maniniwala sa kredibilidad at integridad ng tagapalaganap ng salita ng Diyos?

Ngayon ulit ako nakaramdam ng galit sa panonood ng pelikula dahil sa mga dinanas na pang-momolestiya sa mga biktima at aksyon ng simbahan.

Bilang manonood, engaged ako sa mga tauhan. Hanga din ako sa pagdirek ni Francois Ozon.

 

Orihinal na bersyon ng sulating ito ay matatagpuan dito .

Discover more from Film Police Reviews

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading